may klase ako sa technopreneurship ng 7:30 am..
but unfortunately, di ako nagising..
ganun din si orvin..
so we decided na sa next class na lang kame papasok ..
that was ethics at 10:30 am..
habang nasa byahe..
madae na namang nagpakita sakeng #24..
sabi ko sa sarili ko..
"lumalabas na naman yung mga sign,
kelan kaya magiging mabuti yung #24..
pipilitin kong baguhin yung bad sign,
nasa paniniwala ko lang yun..
positive yang 24.."
late na ako ..
i keep on texting orvin if ano na ginagawa sa room..
sabi nya wala pa naman daw.,
i rushed into our classroom ...
naabutan ko na nagpopost ng reports yung mga classmates namen..
i saw orvin seating at the back..
umupo ako sa tabi nya..
pawis..
pagod..
uhaw..
inabot nya saken yung blue index card..
nafill-upan nya na ng informations ko..
pinapapasa nya na saken..
sabi ko "maya maya na"..
since first time ko pa lang naman pumasok sa klase na yun,
pinapakiramdaman ko pa yung prof..
pinipilit pa din nya ko na ipasa na yung index,
sabi ko ulit "mamaya na",
"baka ibalik naman yung index card for 1x1 picture..
sasabay ko na lang.."
he replied..
"ipasa mo na, nagpasa na ko,
hindi pa naman kailangan yung 1x1.."
pero hindi ko pa din maipasa..
gusto ko din naman kasi timing'an yung pag-approach ko sa prof..
galit na sya..
pinunit nya ung index card..
"umalis ka dito sa tabi ko"..
"umalis ka dito sa tabi ko"..
"umalis ka dito sa tabi ko"..
"lumipat ka ng upuan"
hindi pa din ako makaalis,
sinusubukang kalmahin sya..
"aalis ka sa tabi ko o ako lalabas ng room"
nasa gitna ng discussion,
mahirap na lumipat pa ng pwesto..
hindi ko sya napakalma..
kung ano ano na nagawa nya saken..
sobrang gusto na nyang lumabas..
kaya pinilit ko nang lumipat..
sa harapan..
nagkaron ng 15 mins. break..
nilapitan ko na si sir edwin nilooban..
"sir pwede pong humingi ng index card"
inabot nya na saken..
"pati po pala yung sample ng ilalagay..."
lumabas si orvin..
finill-upan ko yung blue index card..
pinasa ko na..
lumabas ako para hanapin sya..
nakita ko naman sya..
pinuntahan ko..
umiwas sya..
naglakad pababa..
sinundan ko..
sa dulo ng northwing, huminto sya..
"bumalik ka na don"
naglakad ulit sya papuntang linear..
umuulan na..
kinausap nya ko..
"nag-effort na ko na gawan ka ng index card,
ipapasa mo na lang.."
"napapahiya pa ko, parang wala kong kausap,
para kong nakikipag-usap sa manikin"
"bumalik ka na don, di na ko babalik don, wala na kong
pakialam sa pag-aaral ko.."
inabot nya saken yung violet na payong..
"babalik ka don, o tatadyakan ko mukha mo?"
lumakad sya paalis..
bumalik na din ako sa classroom..
nagsstart na ulit yung klase..
discussions..
uwian na..
naglakad na ko palabas..
hinanap ko sya..
nagtxt at tumawag sya..
tinanong ko kung nasan sya..
"sa impyerno"..
asan ka nga?...
"nsa jeep na , kala mo di talaga ko uuwi?"
pumunta ko sa printan..
nagpaprint ng 1x1..
tumawag ulit sya..
"asan ka?"
sumagot ako..
"nandito,nagpapaprint ng 1x1"
..
"tinatanong ko kung nasan ka, hindi ko tinatanong
kung ano ginagawa mo tanga.."
..
"nandito ako sa violet.."
"ikaw nasan ka ba?,, ung totoo.."
habang nasa violet printing shop ako..
may tumapak sa paa ko..
tapos na yung pagpapaprint ko..
naglakad na kame..
kinuha nya saken yung payong
at panyo..
"pag sumunod ka saken, tatadyakan ko yung mukha mo,
naiintindihan mo?"
.."oo" .. sagot ko..
naglakad na sya..
nagpalipas muna ako ng sandali..
di ko inalis ang mata ko sa kanya..
tinitignan ko kung san sya nagpupunta..
pagdating sa kanto ng teresa..
nakita nya ko.. huminto muna ako..
dahil ayaw kong isipin nyang sinusundan ko sya..
lumapit sya, nagsalita..
"anong ginagawa mo?"
hinawakan nya ko sa batok..
tinulak para maglakad..
hinayaan nya na ko maglakad..
huminto ako at bumalik ng tingin sa kanya..
"sige huminto ka.."sabi nya..
nagpatuloy na ko sa paglalakad..
kung san san nakarating..
tumawag sya..
"nasan ka?"
sabi ko..
"umuwi na ko"
naglakad ulit ako kunsan san..
naghanap ng paloadan..
nakapagpaload..
pumunta munang simbahan..
tumawag ulit sya..
"nasan ka?"
tanong namin sa isa't isa..
walang gustong sumagot..
sinabi ko na lang na nasa bahay na ko...
bahay ni God.
"kaw nasan ka?"
hindi pa rin nya sinabi..
wala na ata syang planong sagutin yung tanong ko..
malolobat na yung cellphone ko..
pati ako..
hindi pa kasi kame kumakain..
nagpasya na kong umuwi..
nagkatxt pa rin kami..
sinabi kong nasa jeep na ko..
sa pureza..
sa legarda..
nkarating na ko ng recto,
tumambay saglit sa isang tabi..
sumakay na ng jeep..
nagttxt pa din kami..
sa kalagitnaan non..
naempty bat ang cellphone ko..
naputol na ang pag-uusap namin..
LECTURE IN ETHICS:
*patience is a virtue*
virtue - excellence, accomplishment..
ex. kapag palaging late ang bf mo, nagagalit ka..
paulit-ulit.. hanggang sa masasanay ka na,
hindi ka na magagalit.. mapagpapasensyahan mo na sya..
yun ang tinatawag na patience.. - Sir Edwin.
0 comments:
Post a Comment